Ang Nakakainis na Jeepney

Last time habang nagdadrive ako exiting the place where i live. Nag-signla ako and wait for a little while then nakita ko na malayo pa yung jeep edi paliko na ko, pakanan na sana ko bigla humarurot yung jeep. Kung hindi ako natingin malamang nagkabangga na kami. Siguro naman nakita nya na ako mula sa malayo.

Hindi pa dun natatapos, edi nasa highway na medyo nauna na ako nasa right lane ako tapos bigla nagswerve yung jeep din na yun at huminto kaya napahinto din ako bigla. Naiinis na talaga ako nun, yung tipong parang his really getting into my nerves. Edi yun nag-overtake ako sa kanya at ang ginawa ko binagalan ko andar ko as in tapos hinaharangan ko yung daan nya. Di ko sya pinapadaan.

Minsan talaga nakakabwisit yung mga jeepney drivers, Barumbado tapos hindi mag-sisignal kapag liliko or hihinto. Hindi na nakakapagtaka na madaming nababangga sa jeep eh. Pero hindi naman lahat ng jeepney drivers ganon madami dami lang na nakakainis talaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Popular Posts